Bilang ng mga gumaling na pulis sa COVID-19, pumalo na sa 500

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Linggo ng gabi (July 12), 1,089 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

670 pulis ang itinuturing na probable cases habang 1,422 ang suspected cases.

Umabot naman sa 500 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Nasa siyam pa rin ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...