Binabantayang LPA, posibleng maging bagyo – PAGASA
May isang low pressure area (LPA) na binabantayan ang PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Raymond Ordinario na huling namataan ang LPA sa layong 540 kilometers Silangang bahagi ng Tuguegarao City, Cagayan bandang 3:00 ng hapon.
Bunsod nito, nararanasan aniya ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Silangang bahagi ng Luzon kabilang ang Cagayan Valley, Aurora, Quezon at Bicol region.
Apektado na rin aniya nito ang northern at eastern section ng Samar province.
Posible aniyang lumakas ang LPA at maging ganap na bagyo.
Maaari aniyang maging tropical depression ang LPA sa susunod na 48 oras.
Sakaling maging bagyo, sinabi ng weather bureau na tatawagin itong Bagyong Carina.
Ito ang posibleng ikatlong bagyo sa Pilipinas sa taong 2020.
Samantala, sinabi ni Ordinario na magiging maayos naman ang lagay ng panahon sa nalalabing bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.