Ilang lalawigan sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 4:11 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Nueve Ecija, Zambales, Pampanga, Batangas at Rizal.

Maaapektuhan din ng nasabing lagay ng panahon ang General Nakar at Tagkawayan sa Quezon; Santa Ignacia at San Jose sa Tarlac.

Uulanin din ang bahagi ng San Ildefonso, San Rafael at Angat sa Bulacan; Lumban at Santa Cruz sa Laguna.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...