Mga positibo sa COVID-19, ipapasailalim na sa facility quarantine – Nograles

By Chona Yu July 12, 2020 - 04:10 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Hindi na home quarantine ang gagawin ng pamahalaan sa mga pasyente na nagpositive sa COVID-19.

Ayon kay Cabinet Secretary Larlo Alexi Nograles, facility quarantine na ang gagawin ng pamahalaan.

Dini-discourage na aniya ng pamahalaan ang home quarantine dahil sa mataas ang tsansa na magkahawaan ng naturang sakit.

“Ang dapat nating tutukan ngayon, yung pag magku quarantine, we are now discouraging yung mag home quarantine. Kasi isa sa mga nakita naming, marami ang nagka ano ng COVID, ang nahawa ng COVID…Ang dangerous kasi sa home quarantine, magkakahawaan, mas malaking chances na magkahawaan dun sa kanyang pamilya o kung saan siya nakatira,” pahayag ni Nograles.

Kahit aniya ang mga asymptomatic o walang mga sintomas na pasyente ng COVID-19 ay isasailalim na sa facility quarantine.

“So we’re now shifting na kung mahawa, kahit na asymptomatic, mas bibigyan natin ng priority yung mag facility quarantine. Anyway marami pa naman tayong mga facilities, COVID facilities natin, na maka accommodate ng mga mild cases. So yun yung ating mas ifo-focus ngayon na hindi na masyado sa home quarantine. Merong mga cases dapat, facility quarantine na sila,” pahayag ni Nograles.

TAGS: Cabinet Sec. Karlo Nograles, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 positive, COVID-19 response, COVID-19 update, facility quarantine, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, Cabinet Sec. Karlo Nograles, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 positive, COVID-19 response, COVID-19 update, facility quarantine, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.