Magbabalik-operasyon na ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa araw ng Lunes, July 13.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), makakapag-operate na muli ang nasabing linya ng tren nang may limitadong kapasidad.
Ito ay matapos makapag-assemble ang pamunuan ng MRT-3 ng sapat na bilang ng mga empleyado na COVID-19 free.
Hanggang July 11, nasa 1,093 MRT-3 depot personnel at 1,010 station personnel ang negatibo sa nakakahawang sakit.
Lagpas ito sa kinakailangang 1,308 na bilang ng personnel para maibalik ang operasyon nang may limitadong bilang ng train sets.
Idi-dispatch ng pamunuan ng MRT-3 ang 12 train sets kasama ang 10 CKD train sets at dalawang Dalian train sets.
Bibiyahe ang unang first train set mula North Avenue station patungong Taft Avenue station bandang 5:30 ng madaling-araw.
Tiniyak naman sa publiko na istriktong ipatutupad ang contact tracing kung saan kailangang mag-fill up ng mga pasahero ng health declaration forms bago makasakay ng tren.
Mahigpit ding susundin ang ‘5-minute disinfection hustle’ sa bawat tren sa end stations sa North Ave. Station at Taft Station.
Babantayan din ang mga lagay ng bawat tauhan kaya kailangang magsumite ng health declaration forms dalawang beses sa isang araw.
Nasa 281 tauhan ang nagpositibo sa COVID-19 kabilang ang MRT-3 depot, station personnel, ilang empleyado ng maintenance provider Sumitomo-MHI-TESP at subcontractors, at iba pang MRT-3 service providers.
Matatandaang ipinatupad ng temporary shutdown simula noong July 6 para makapagsagawa ng RT-PCR test sa lahat ng MRT-3 personnel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.