Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, 4,421 na

Lagpas 4,400 na ang bilang ng mga nagpositibo sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 4,421 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Linggo ng umaga (July 12).

Sa nasabing bilang, 4,346 ang DOH confirmed cases na may kumpletong address.

4,314 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 1,642 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

2,415 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 257 ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 3,115 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...