Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, halos 12.8 milyon na

Sumampa na sa halos 12.8 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 12,844,410 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 3,355,646 cases.

Sumunod na rito ang Brazil na may 1,840,812 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 850,358 naman ang kaso sa India habang 720,547 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Peru – 322,710
– Chile – 312,029
– Spain – 300,988
– Mexico – 295,268
– United Kingdom – 288,953
– South Africa – 264,184
– Iran – 255,117
– Pakistan – 246,351
– Italy – 242,827
– Saudi Arabia – 229,480
– Turkey – 211,981
– Germany – 199,812
– Bangladesh – 181,129
– France – 170,752
– Colombia – 145,362
– Canada – 107,347
– Qatar – 103,128

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 567,657 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 7,479,527 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...