Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:55 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Nueva Ecija, Pampanga at Laguna.
Maaapektuhan din ang Capas at Bamban sa Tarlac; Dinalupihan, Bataan; Rodriguez, Rizal; General Nakar, Quezon; San Jose Del Monte at Norzagaray sa Bulacan.
Uulanin din ang Cavite partikular ang Imus, General Trias, Dasmariñas, Indang, Alfonso, Maragondon at General Emilio Aguinaldo; Calaca, Batangas; Zambales.
Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.