LTFRB Central Office magsasara sa susunod na linggo; 5 empleyado nagpositibo sa COVID-19
Pansamantalang magsasara ang opisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office simula Lunes, ika-13 ng Hulyo, hanggang Biyernes, ika-17 ng Hulyo upang magbigay-daan sa patuloy na malawakang disinfection ng mga pasilidad ng ahensya.
Ito ay matapos makumpirmang positibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang limang (5) empleyado nito sa isinagawang RT-PCR swab testing ng Philippine Red Cross.
Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Martin B. Delgra III, ito ay sa kabila ng napakahigpit nang safety protocols na ipinatutupad sa ahensya.
“Nangyari po lahat ‘yan habang mahigpit na sinusunod ng ahensya ang mga public safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, karaniwang paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol at sanitizer, regular na pag-disinfect ng opisina, at social distancing,” ani Delgra.
Inaabisuhan ang publiko na kasabay ng pansamantalang pagsasara ng LTFRB Central Office sa susunod na linggo, ang pagtanggap ng mga dokumento at pagproseso ng mga sumusunod na transaksyon ay magkakaroon ng pagkaantala:
– 24/7 Public Assistance Complaints Desk 1342
– Inquiries on legal matters
– New Application for CPC
– Application for Extension of Validity
– Petition for Dropping and Substitution of Units
– Petition for Dropping of Units
– Petition for Installation of Advertising Sign
– Application for Consolidation of Cases
– Petition for Change Venue of Registration
– Petition for Adoption of Trade Name
– Petition for Storage of Unit Plate
– Petition for Upgrading/Downgrading of Units
– Petition for Cancellation of Franchise
– Petition for Withdrawal of Application
– Petition for Adoption of Color Scheme
– Application for Change of Party Applicant
– Request for Garage and Unit Inspection
– Surrender of Plates
– Clearance of Account
– Assessment of Fees
– Re- Assessment of Fees
– Releasing of Assessment of fees
– Issuance of Special Permit
– Clearance and Releasing of Impounded Vehicles
Bagaman magiging limitado ang serbisyo ng LTFRB sa susunod na linggo, patuloy pa rin ang pagseserbisyo sa publiko.
Inaanyayahan ang stakeholders na gumamit ng online transactions para sa mga sumusunod:
1. Request for Special Permit;
2. Correction of Typographical Error;
3. Request for Confirmation of Unit/s;
4. Request for Franchise Verification;
5. Request for Issuance or Extension Provisional Authority;
6. Legal Concerns/Query on Hearing Schedule, Status
Tanging ang LTFRB Central Office na matatagpuan sa East Avenue, Quezon City lamang ang pansamantalang isasara hanggang Biyernes, ika-17 ng Hulyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.