outbrain

Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna nasa 554 na

By Mary Rose Cabrales July 10, 2020 - 11:05 PM

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Biyernes, July 10, 3PM), nakapagtala ng 28 na bagong kaso kaya umabot na sa 554 ang bilang ng active cases sa lalawigan.

Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:

San Pedro (Larger Community) – 77
San Pedro (BJMP) – 47
Biñan (Larger Community) – 167
Biñan (PNP Custodial Facility) – 1
Biñan (BJMP) – 11
Santa Rosa – 96
Calamba – 53
Los Baños – 8
Cabuyao – 43
San Pablo – 9
Santa Cruz – 4
Bay – 7
Calauan – 16
Alaminos – 5
Victoria – 2
Nagcarlan – 2
Liliw – 1
Majayjay – 1
Cavinti – 1
Magdalena – 1
Paete – 1
Mabitac – 1

Ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nanatili sa 64.

Ang bilang naman ng nakarecover na ay umabot na sa 602.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 1,220.

Samantala, nasa 2,663 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.

TAGS: coronavirus, COVID-19, Health, laguna, coronavirus, COVID-19, Health, laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.