Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 1,044 na
Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).
Sa huling datos mula sa PNP (Biyernes, July 10 6PM) 38 ang bagong napaulat na nagpositibo sa virus kaya umakyat na sa 1,044 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.
Sa nasabing bilang ay mayroong 462 na pulis na nakarecover o gumaling na sa sakit.
Ang COVID-19 related deaths ay nanatili sa 9.
Ang bilang ng probable case ng COVID-19 sa PNP ay 651 at 1,364 naman ang suspected case.
Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.