Kaso ng COVID-19 sa Bulacan nadagdagan ng 26
By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2020 - 07:59 PM
Sumampa na sa 594 ang total number ng confirmed COVID-19 cases sa Bulacan.
Ito ay makaraang makapagtala pa ng 26 na bagong kaso sa magdamag.
Ayon sa datos ng Provincial Health Office ng Bulacan, hanggang alas 4:00 ng hapon ng Biyernes, July 10 ay umabot na sa 236 ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.
Nanatili naman sa 36 ang bilang ng mga nasawi.
Habang mayroon pang 322 na aktibong kaso sa lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.