Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 568

By Mary Rose Cabrales July 10, 2020 - 07:09 PM

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Huwebes, July 9) , nadagdagan ng 13 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 568 habang 411 ang active cases.

Nakapagtala ng 2 bagong pumanaw kaya ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 103.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 1,082.

 

 

TAGS: covid cases, Rizal, covid cases, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.