Paglalagay ng harang sa mag-asawang magka-angkas sa motorsiklo hindi praktikal ayon kay Rep. Ong
Hinikayat ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong ang Inter-Agency Task Force (IATF) na irekonsidera ang nais nito na paglalagay ng divider sa pagpayag na magka angkas ang isang mag-asawa sa motorsiklo.
Ayon kay Ong, hindi praktikal at delikado para sa mga pedestrians at motorista ang paglalagay ng divider o shield sa motor.
Bagamat ikinatuwa ni Ong na ikinunsidera ang kanyang panawagan na payagan ang pag-angkas ng mga mag-asawa sa motor, hindi naman siya kumbinsido na mapoprotektahan ng paglalagay ng divider ang mga couples laban sa sakit.
Balewala aniya ito dahil ang mga mag-asawa o couple ay magkasama din sa loob ng bahay.
Sa halip na paglalagay ng divider o shield sa motor, inirekomenda ni Ong na gawing requirement sa mga magasawa na angkas ng motor na magsuot ng full-face helmets, face masks, long sleeves shirts o jackets, long pants, gloves at closed shoes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.