Hindi naging madali para sa mga miyembro ng House Committee on Legislative Franchises ang pagbuo ng pinal na desisyon para sa prangkisa ng ABS-CBN.
Ito ang iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano matapos ang ginawang pagbasura sa hinihinging karagdagang 25-taong prangkisa ng giant network.
Hindi lamang aniya basta bumuo ng resolusyon ang mga kongresista dahil ikinunsidera din nila ang lahat ng bagay lalo na ang magiging “impact” o epekto ng desisyon na ito sa buong bansa.
Para naman sa mga batikos na kanilang makukuha sabi ni Cayetano tatanggapin nila ito.
Hinimok naman ni Cayetano ang publiko na basahin ang naging findings ng technical working group upang malaman at maintindihan ng mga tao ano ang naging basehan ng kanilang desisyon.