ABS-CBN, biktima ng ‘pandemic of intolerance’ – Sen. Grace Poe
Dahil sa pandemiya ng hindi pagtanggap ng ibang paniniwala at opinyon, libu-libo ang mawawalan ng trabaho.
Ito ang pahayag ni Sen. Grace Poe sa pagtanggi ng mayorya ng miyembro ng Kamara na bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.
Bukod dito, ayon pa kay Poe, milyun-milyon ang mapapagkaitan ng impormasyon at kasiyahan na dulot ng mga programa ng ABS-CBN.
Aniya hindi perpektong organisasyon ang television network sa katunayan ay umamin ito ng kanilang pagkukulang at kamalian.
Ngunit kung babalansehin ang mga nagagawa ng network, marami ang naitutulong nito sa mamamayan.
“This is so because a media organization that occasionally commits mistakes is in the nation’s interest than one that is permanently muzzled. It is not just news that is curtailed but entertainment shows which represent the finest in the craft, delight the public, and inspire our people to be the best,” sabi pa ni Poe.
Sa naging boto naipakita ng Kamara na mahirap maging mapagpatawad sa usapin ng pag-apruba ng prangkisa at dahil sa pangyayari maaring maapektuhan ang iba pang prangkisa, ayon pa sa senadora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.