ABS-CBN: Umaasa kaming makahahanap ng ibang paraan upang tuparin ang aming misyon

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2020 - 05:09 PM

Nagpasalamat ang pamunuan ng ABS-CBN sa lahat ng sumuporta, nagtiwala at nagdasal para sa giant network.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni ABS-CBN President at CEO Karlo Katigbak, na labis silang nasaktan sa desisyon ng komite sa Kamara na hindi bigyan ng panibagong prangkisa ang network.

Sa kabila nito sinabi ni Katigbak na nagpapasalamat sila sa Kamara dahil nabigyan sila ng pagkakataon na linawin at sagutin ang mga akusasyon laban sa kanila.

Ayon kay Katigbak, batid nilang nakapagbigay sila ng serbisyong makabuluhan sa mga Filipino.

Umaasa umano silang muling makakasama ang sambayanan.

Nagpasalamat din ang network sa mga sponsor na patuloy na nanindigan at sumuporta.

Gayundin sa mga mambabatas na nagsalita para sa ABS-CBN sa mga nagdaang pagdinig.

 

 

 

 

TAGS: ABS-CBN, ABS-CBN franchise, ceo, House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ABS-CBN, ABS-CBN franchise, ceo, House of Representatives, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.