11 pang Filipino sa abroad, nagpositibo sa COVID-19 – DFA

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2020 - 04:47 PM

Mayroong 11 pang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 10, umakyat na sa 8,803 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 64 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,944 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

5,265 naman ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, 594 na ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,379 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,047 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 699 naman ang kaso sa Americas at 678 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, DFA, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Overseas Filipinos, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, DFA, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Overseas Filipinos, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.