Sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA alas 3:47 ng hapon ng Biyernes, July 10 ang Bataan, Laguna, Rizal at Quezon ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa susunod na dalawang oras.
Heavy hanggang intense na pag-ulan naman ang nararanasan sa Caloocan at QUezon City, gayundin sa Carrangalan at Aliaga sa Nueva Ecija; Iba at Botolan sa Zambales; San Jose, Tarlac; Candaba, Santa Ana, San Luis, at San Simon, Pampanga; Pulilan at San Jose Del Monte sa Bulacan; Naic, Maragondon at Ternate sa Cavite; Tuy, Nasugbu, Lian, San Pascual at Batangas City sa Batangas.
Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagkakaroon ng flashflood.
Maari ding magdulot ng landslide sa mga bulubunduking lugar ang mararanasang malakas na buhos ng ulan.