Metro Manila, mas maraming pang lalawigan patuloy na uulanin

Makararanas pa rin ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang Metro Manila at mas marami pang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA alas 2:02 ng hapon ng Biyernes, July 10 ang Metro Manila, Tarlac, Bataan, Pampanga, Bulacan, at Rizal ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa susunod na dalawang oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Atimonan at Padre Burgos sa Quezon; Tanuan, Batangas; Silang, Indang, General Emilio Aguinaldo at Maragondon sa Cavite; Palauig, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz, Cabangan at Botolan sa Zambales; Pantabangan, Rizal, Cabanatuan at General Mamerto Natividad sa Nueva Ecija.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagkakaroon ng flashflood.

Maari ding magdulot ng landslide sa mga bulubunduking lugar ang mararanasang malakas na buhos ng ulan.

 

 

Read more...