Metro Manila, mas maraming pang lalawigan patuloy na uulanin

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2020 - 02:24 PM

Makararanas pa rin ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang Metro Manila at mas marami pang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA alas 2:02 ng hapon ng Biyernes, July 10 ang Metro Manila, Tarlac, Bataan, Pampanga, Bulacan, at Rizal ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa susunod na dalawang oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Atimonan at Padre Burgos sa Quezon; Tanuan, Batangas; Silang, Indang, General Emilio Aguinaldo at Maragondon sa Cavite; Palauig, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz, Cabangan at Botolan sa Zambales; Pantabangan, Rizal, Cabanatuan at General Mamerto Natividad sa Nueva Ecija.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagkakaroon ng flashflood.

Maari ding magdulot ng landslide sa mga bulubunduking lugar ang mararanasang malakas na buhos ng ulan.

 

 

TAGS: bataan, Bulacan, DOST, Inquirer News, Metro Manila, News in the Philippines, Pagasa, Pampanga, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tarlac, bataan, Bulacan, DOST, Inquirer News, Metro Manila, News in the Philippines, Pagasa, Pampanga, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tarlac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.