Mahigit 190K na pasahero naserbisyuhan na ng Bus Augmentation Program ng MRT-3
Umabot na sa mahigit 190,000 na pasahero ang naserbisyuhan ng MRT-3 Bus Augmentation Program.
Simula noong June 1 hanggang kahapon June 9, umabot na sa 190,799 na pasahero ang naserbisyuhan ng nasabing programa.
90 bus ang araw-araw na bumibiyahe sa mga istasyo ng MRT-3 para maserbisyuhan ang mga pasahero nito.
Nagsisimula ang biyahe alas 4:00 ng madaling araw at ang huling biyahe ay alas 10:00 ng gabi.
Narito ang mga istasyon kung saan mayroong available na bus:
Southbound
North Avenue (Loading only)
Quezon Avenue (Loading/Unloading)
Ortigas (Unloading only)
Guadalupe (Unloading only)
Ayala (Unloading only)
Taft Avenue (Unloading only)
Northbound
Taft Avenue (Loading only)
Ayala (Loading and Unloading)
Guadalupe (Unloading only)
Ortigas (Unloading only)
Quezon Avenue (Unloading only)
North Avenue (Unloading only)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.