Hotel, motel at dormitoryo na nagbigay ng free lodging sa healthcare workers sa Maynila bibigyan ng P100K na tax credit

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2020 - 01:03 PM

May P100,000 na tax credit ag mga hotel, motel at dormitoryo na nagbigay ng free lodging para sa mga healthcare workers sa Maynila.

Inanunsyo ito ni Manila Mayor Isko Moreno.

Sa bisa ng City Ordinance No. 8646, binibigyan ng P100,000 na tax credit ang mga establisyimento sa lungsod na libreng nagpatuloy sa mga medical frontliner noong kasagsagan ng enhanced community qurantine.

Maaring i-claim ang tax credit sa loob ng tatlong taon mula sa petsa ng pagkakapasa ng ordinansa.

Magugunitang nagpalabas ng Executive Order No. 17 si Moreno kung saan nanawagan ito sa mga establisyimento sa Maynila na bigyan ng disenteng matutulugan ang mga frontliner.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, dormitories, general community quarantine, Health, hotel, Inquirer News, manila, Modified general community quarantine, motel, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, tax credit, covid pandemic, COVID-19, department of health, dormitories, general community quarantine, Health, hotel, Inquirer News, manila, Modified general community quarantine, motel, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, tax credit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.