Ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon uulanin sa susunod na mga oras

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2020 - 12:19 PM

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon.

Sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA alas 12:05 ng tanghali ng Biyernes, July 10 ang Zambales, Batangas, Tarlac at Quezon ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa Maragondon at Magallanes sa Cavite.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagkakaroon ng flashflood.

Maari ding magdulot ng landslide sa mga bulubunduking lugar ang mararanasang malakas na buhos ng ulan.

 

 

TAGS: Batangas, Pagasa, Quezon, Tarlac, thunderstorm advisory, weather, zambales, Batangas, Pagasa, Quezon, Tarlac, thunderstorm advisory, weather, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.