Global death toll sa COVID-19 mahigit 557,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2020 - 12:23 PM

Sumampa na sa mahigit 557,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 557,411 na.

Sa magdamag nakapagtala pa ng nasa 5,000 bagong nasawi.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 135,822.

Narito naman ang iba pang mga bansa na nakapagtala ng mataas na bilang ng nasawi:

Brazil – 69,254
UK – 44,602
Italy – 34,926
Mexico – 33,526
France – 29,979
Spain – 28,401
India – 21,623
Iran – 12,305

Sumampa naman na sa mahigit 7.2 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 4.6 million pa ang aktibong kaso.

 

 

TAGS: COVID, covid pandemic, COVID-19, global death toll, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID, covid pandemic, COVID-19, global death toll, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.