Ayon kay Rodriquez, kailangang ilagay ng ahensya kung magkano ang kakailanganing pondo para sa COVID-19 vaccine.
Ang mga ito kasi anya ang nakakaalam sa halaga, doses na kakailanganin ng publiko at siyang may access sa mga manufacturers.
Pahayag ito ni Rodriquez matapos tiyakin ni House Speaker Alan Peter Cayetano na nakahanda ang kongreso na pondohan ang bakuna para sa covid-19.
May sapat na panahon pa anya ang DOH at Department of Budget and Management (DBM) na magsagawa ng adjustments para mapaglaanan ng pondo ang bakuna bago ang pagsisimula ng sesyon at pagsusumite ng pambansang pondo sa July 27.
Bukod dito, maaaring bigyan pa ng extension ng Kamara ang DOH para tapusin ang kanilang budget dahil mayroon