Alokasyon para sa COVID-19 vaccine ipinasasama sa 2021 budget proposal ng DOH
Ipinapasama ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa Department of Health (DOH) sa kanilang budget proposal para sa 2021 ang alokasyon para sa COVID-19 vaccine.
Ayon kay Rodriquez, kailangang ilagay ng ahensya kung magkano ang kakailanganing pondo para sa COVID-19 vaccine.
Ang mga ito kasi anya ang nakakaalam sa halaga, doses na kakailanganin ng publiko at siyang may access sa mga manufacturers.
Pahayag ito ni Rodriquez matapos tiyakin ni House Speaker Alan Peter Cayetano na nakahanda ang kongreso na pondohan ang bakuna para sa covid-19.
May sapat na panahon pa anya ang DOH at Department of Budget and Management (DBM) na magsagawa ng adjustments para mapaglaanan ng pondo ang bakuna bago ang pagsisimula ng sesyon at pagsusumite ng pambansang pondo sa July 27.
Bukod dito, maaaring bigyan pa ng extension ng Kamara ang DOH para tapusin ang kanilang budget dahil mayroon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.