Guidelines sa pagpapauwi sa mga LSI pinahihigpitan sa IAFT

By Erwin Aguilon July 10, 2020 - 11:12 AM

Pinahihigpitan ni Iligan City Rep. Frederick Siao sa Inter-Agency Task Force (IATF) na ang alituntunin para sa pagpapauwi ng mga locally stranded individuals (LSIs).

Sabi ni Siao dapat i-review ng IATF ang guidelines sa LSIs upang matiyak na ang mga nagbabalik na residente sa kanilang mga probinsya ay hindi carrier ng COVID-19.

Kailangan anga na ang may mga negative results lamang na sumailalim sa polymerase chain reaction (PCR) diagnostic tests ang papayagan na makauwi sa kanilang mga lugar.

Ito ayon sa mambabatas ay para matiyak ang pag-iingat na hindi madala ng mga LSIs sa kanilang mga lalawigan ang virus lalo pa’t ang mga sumailalim lamang sa rapid test at pinayagang makauwi ay napagalamang nagpositibo pala kalaunan sa COVID-19.

Patunay din aniya dito ang data mula sa DOH regional offices na nagpapakitang hindi matibay na batayan ang resulta ng rapid test kahit ito pa ay negative result para pauwiin ang mga LSIs at OFWs.

Maliban sa paghihigpit ay hiniling din ng kongresista sa mga LGUs na tulungan din ang mga LSIs at OFWs na bigyan ng tamang isolation at quarantine facilities habang sumasailalim sa test bago sila pauwiin sa mga probinsya.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Iligan City Rep. Frederick Siao, Inquirer News, inter-agency task force, LSIs, Modified general community quarantine, News in the Philippines, ocally stranded individuals, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Iligan City Rep. Frederick Siao, Inquirer News, inter-agency task force, LSIs, Modified general community quarantine, News in the Philippines, ocally stranded individuals, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.