Ilang barangay sa Parañaque City at Las Piñas City makararanas ng 9 na oras na service interruption

Siyam na oras na makararanas ng service interruption ang ilang customer ng Maynilad sa Parañaque City at Las Piñas City.

Ayon sa abiso ng Maynilad, dahil sa mataas na demand sa kanilang Bagbag Reservoir, makararanas ng low pressure hanggang sa no water ang ilang bahagi ng dalawang lungsod.

Magsisimula ang interruption alas 12:00 ng tanghali at tatagal hanggang alas 9:00 ng gabi ngayong araw, Biyernes (July 10).

Apektado ang sumusunod na lugar:

Parañaque City
– BF Homes
– Moonwalk
– San Dionisio
– San Isidro

Las Piñas City
– BF International / CAA
– D. Fajardo
– Ilaya
– E. Aldana
– Manuyo Uno
– Manuyo Dos

 

 

 

Read more...