Mahigit 8,000 pang umuwing Pinoy nag-negatibo sa COVID-19

Ngayong araw July 10 mayroong mahigit 8,000 pang umuwing Pinoy ang nag-negatibo sa COVID-19.

Base sa inilabas na datos ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, mayroong 8,597 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.

Karagdagan ito sa mahigit 43,000 na returning overseas Filipinos na nag-negatibo sa COVID-19 simula noong June 12 hanggang July 7.

Maaring makita ang listahan ng mga nag-negatibong Pinoy sa link na https://bit.ly/2ZbZrca

Ang masterlist naman ng mga nag-negatibong OF ay pwedeng maktia sa link na ito https://bit.ly/2Z2ThLm

Ang mga nasa listahan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.

 

 

 

Read more...