Lockdown sa Agora Market sa San Juan pinalawig pa
Pinalawig hanggang sa July 15 ang pinaiiral na lockdown sa Agora Market sa San Juan City.
Sa 647 na nagtitinda sa palengke na naisailalim sa swab tests, 23 ang nagpositibo sa COVID-19.
Mayroon pang hinihintay na 33 resulta mula sa mga naisailalim sa tests.
Kasalukuyan nang naka-isolate ang lahat ng nagpositibo habang naka-quarantine na din ang mga nagkaroon ng close contact sa kanila.
Ayon sa City Health Office ang Agora Market ang epicenter ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Patuloy ang pagsasagawa ng disinfection sa nasabing palengke.
Simula sa July 16, ang mga nag-negatibong vendors ay papayagan nang makapagtinda matapos silang makakuha ng special health clearance.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.