LOOK: Mag-asawang magka-angkas sa motorsiklo bitbit ang kanilang marriage contract para ipakita sa checkpoint

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2020 - 09:49 AM

Ngayong unang araw ng pagpayag ng pamahalaan sa pag-aangkas sa motorsiklo, marami na ang nasita.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), simula ngayong araw pwede nang mag-angkas ang motorsiklo para sa mga mag-asawa, maglive in partner, mag BF/GF na nakatira sa iisang bahay.

Kailangan lang magpakita ng dokumento na magpapatunay na sa iisang bahay sila nakatira.

Sa isang checkpoint sa Ortigas Avenue Extension na boundary ng Pasig at Cainta, Rizal ang mga magka-angkas sa motorsiklo ay pinara at hinihingan ng dokumento.

Ang ibang mga naharang, bitbit ang kanilang marriage contract para patunayan sa mga otoridad na sila ay mag-asawa.

Una nang sinabi ng High Patrol Group ng PNP na hindi muna pagmumultahin ngayong araw ang mga mahuhuling lalabag sa polisiya sa pag-aangkas.

Ang mga lalabag ngayong araw ay sisitahin na lamang muna.

 

 

 

TAGS: Angkas, checkpoint, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PNP, Radyo Inquirer, riders, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Angkas, checkpoint, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PNP, Radyo Inquirer, riders, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.