outbrain

Parkgoers sa isang theme park sa Japan binawalang sumigaw kapag nakasakay sa rides para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2020 - 09:38 AM

Isang theme park sa Japan ang naglabas ng abiso at humihimok sa publiko na iwasan ang pagsigaw kapag nakasakay sa kanilang rides.

Ito ay para maiwasan ang paglaganap ng sakit na COVID-19.

Ayon sa pamunuan ng theme park, nasusunod naman ng publiko ang pagsusuot ng face mask.

Pero marami umano ang hindi maiwasang sumigaw kapag nakasakay na sa rides.

Naglabas pa ng video ang Fuji-Q Highland theme park kung saan ipinapakita kung paanong sumakay sa kanilang roller coaster nang hindi sumisigaw.

Makikita sa video ang dalawang lalaki na relax lang at walang reaksyon habang nakasakay sa roller coaster.

Sa dulo ng video nakasulat ang katagang “Please scream inside your heart”.

 

 

TAGS: Fuji-Q Highland theme park, Japan, theme park, Fuji-Q Highland theme park, Japan, theme park

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.