outbrain

Mayor sa bayan ng Sto. Niño sa South Cotabato patay sa pananambang

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2020 - 09:07 AM

Patay makaraang tambangan ng riding in tandem ang alkalde sa bayan ng Sto. Niño sa South Cotabato.

Kinumpirma ni South Cotabato Provincial Director P/Col. Jemuel Siason na nasawi si Mayor Pablo Matinong sa pananambang ngayong Biyernes, July 10 ng umaga.

Nangyari ang pananambang sa Libertad Poblacion sa nasabing bayan.

Hindi nakilala ang mga suspek na mabilis na tumakas matapos ng krimen.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

 

 

 

TAGS: ambush, Inquirer News, News in the Philippines, pablo matinong, Radyo Inquirer, South Cotabato, Sto. Niño, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, Inquirer News, News in the Philippines, pablo matinong, Radyo Inquirer, South Cotabato, Sto. Niño, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.