Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 12.3 million na

Umakyat na sa mahigit 12.3 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 12,378,854 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 200,000 na bagong kaso sa magdamag.

Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na 3,219,999.

Sa magdamag ay mahigit 61,000 ang naitalang bagong kaso sa US.

Ang Brazil naman ay nakapagtala ng mahigit 42,000 na bagong kaso sa magdamag, at mahigit 25,000 new cases ang naitala sa India.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 1,759,103
India – 743,481
Russia – 707,301
Peru – 316,448
Chile – 306,216
Spain – 300,136
UK – 287,621
Mexico – 275,003
Iran – 250,458

Ang Pilipinas ay sumampa na sa pang-34 sa mga bansa sa mundo sa dami ng kaso ng COVID-19.

 

 

 

Read more...