Karamihan sa kanila ay pawang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng pandemic ng COVID-19.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III inaasahang sa mga susunod na araw ay madaragdagan pa ang bilang ng mga uuwing Pinoy.
Sa datos ng DOLE, mayroong mahigit 200,000 pang parating na mga Pinoy.
Mayroon namang mahigit 191,000 na OFWs na kahit nawalan ng trabaho ay mas piniling manatili sila sa bansa kung saan sila naroroon.
Karamihan dito ayon kay Bello ay mga Pinoy na nasa European countries.
MOST READ
LATEST STORIES