Pulis, driver patay sa pagsabog sa Maguindanao

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2020 - 07:06 AM

Patay ang isang pulis at isang civilian driver matapos masabugan ng bomba ang sinasakyan nilang police car sa Shariff Aguak, Maguindanao.

Ayon kay Police Colonel Arnold Santiago, nangyari ang pagsabog alas 8:30 ng gabi ng Huwebes, (July 9).

Tatlongdaang metro na lang ang layo ng sasakyan mula sa provincial police headquarters nang maganap ang pagsabog.

Maliban sa dalawang nasawi, apat pa ang nasugatan sa insidente.

Sinabi ni Santiago na hinihinalang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasa likod ng pagsabog.

Posibleng ganti aniya ito sa pagkakapatay ng PNP sa isang teenaged sniper at trained bomber na pamangkin ni Kumander Bungos ng BIFF.

 

TAGS: bangsamoro islamic freedom fighters, Inquirer News, maguindanao, News in the Philippines, Radyo Inquirer, road bomb, shariff aguak, Tagalog breaking news, tagalog news website, bangsamoro islamic freedom fighters, Inquirer News, maguindanao, News in the Philippines, Radyo Inquirer, road bomb, shariff aguak, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.