outbrain

Jinkee Pacquiao may paliwanag matapos batikusin dahil sa pag-post ng kaniyang Hermes na bisikleta

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2020 - 06:39 AM

May mga bumatikos sa ginawang pag-post ni Jinkee Pacquiao ng kaniyang Hermes at LV na bisikleta.

Noong July 2, dalawang bisikleta ang ibinahagi ni Jinkee sa kaniyang Instagram Account na mayroong caption na “His and Hers”.

Kabilang sa mga pumuna dito ang singer na si Agot Isidro na aniya ay tila pagiging “insensitive” sa panig ni Jinkee ang pagbahagi ng mga larawan, lalo at marami ngayon ang nagugutom at walang trabaho dahil sa epekto ng pandemya ng COVID-19.

May mga nagsabi din na bilang senador si Sen. Manny Pacquiao at isang public official hindi dapat ipinangangalandakan ang kanilang magarbong pamumuhay.

Dahil dito, inupdate ni Jinkee ang caption ng kaniyang post.

Sa kaniyang post, sinabi ni Jinkee na ang bike ay regalo sa kanila ng kanilang kumpare na si Hermie Esguerra.

Si Jinkee ay kilalang mahilig sa Hermes brands lalo na sa mga bag nito at madalas nitong ibinabahagi sa Instagram account niya ang mga mamahalin niyang gamit.

 

 

TAGS: Hermes Bike, Inquirer News, Jinkee Pacquiao, LV Bike, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Hermes Bike, Inquirer News, Jinkee Pacquiao, LV Bike, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.