Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano ang nasabing construction site ang dahilan ng biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod nitong nagdaang mga araw.
691 na manggagawa ng construction site ang isinailalim sa swab test at 327 ang nagpositibo.
Maliban sa naturang construction site sa BGC, apat na lugar din sa Brgy. Lower Bicutan ang masusing binabantayan sa COVID-19.
Ayon sa alkalde, inaasahan ang pagtaas pa ng kaso sa lungsod dahil sa agresibong testing na ginagawa ng city government.
Target ng lokal na pamahalaan na maisailalim sa test ang 10 percent ng populasyon ng Taguig bago matapos ang taon.
Sa ngayon sinabi ni Cayetano na umabot na sa 12,000 tests ang kanilang naisasagawa o 2.16 percent ng kanilang populasyon.
Mayroong limang quarantine facilities sa lungsod at may bubuksan pang 500-bed mega-quarantine facility sa Lakeshore area sa Brgy. Lower Bicutan.