Mga trabahador sa isang construction site sa BGC na nagpositibo sa COVID-19, 327 na

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2020 - 06:24 AM

Sumampa na sa 327 ang bilang ng mga construction workers sa isang construction site sa Bonifacio Global City, Taguig na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano ang nasabing construction site ang dahilan ng biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod nitong nagdaang mga araw.

691 na manggagawa ng construction site ang isinailalim sa swab test at 327 ang nagpositibo.

Maliban sa naturang construction site sa BGC, apat na lugar din sa Brgy. Lower Bicutan ang masusing binabantayan sa COVID-19.

Ayon sa alkalde, inaasahan ang pagtaas pa ng kaso sa lungsod dahil sa agresibong testing na ginagawa ng city government.

Target ng lokal na pamahalaan na maisailalim sa test ang 10 percent ng populasyon ng Taguig bago matapos ang taon.

Sa ngayon sinabi ni Cayetano na umabot na sa 12,000 tests ang kanilang naisasagawa o 2.16 percent ng kanilang populasyon.

Mayroong limang quarantine facilities sa lungsod at may bubuksan pang 500-bed mega-quarantine facility sa Lakeshore area sa Brgy. Lower Bicutan.

 

 

TAGS: BGC, construction site, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, taguig, BGC, construction site, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.