Kadete ng PNPA nasawi sa heat stroke
Kinumpirma ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang pagkasawi ng isang kadete nito matapos ma-heat stroke noong Miyerkules, July 8.
Base sa imbestigasyon ng PNPA administration, biglang nawalan ng malay si Cadet Fourth Class Kenneth Ross Alvarado habang lumalahok sa evening mess formation alas 5:30 ng hapon.
Agad siyang dinala ng mga kapwa niya kadete sa Academy Health Service at kalaunan ay dinala sa Qualimed Hospital sa Sta Rosa City, Laguna dahil sa hirap sa paghinga.
Agad ding dumating sa ospital ang ina ng kadete matapos ipagbigay-alam sa pamilya nito ang nangyari.
Alas 9:56 ng gabi nang ito ay pumanaw ayon sa ulat ng PNPA.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si PNP Chief, Police General Archie Gamboa sa pamilya ni Alvarado.
Iniutos din ni Gamboa ang pagsasagawa ng masusuing imbestigasyon para maiwasan na ang kahalintulad na insidente.
Ayon kay PNPA Director, Police Major General Jose Chiquito Malayo magpapatupad ng dagdag na measures ang academy.
Kabilang sa mga inisyatibang isinasagawa na gayon ang mandatory na pag-inom ng minimum na sampung baso ng tubig ng lahat ng kadete, naglalaan din ang PNPA ng dalawang canteen cups na puno ng tubig sa mga kadete, at ginagawa ang mga drill sa malilim na lugar.
Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.