Southern Mindanao apektado ng ITCZ

Intertropical Convergence Zone ang umiiral sa Southern Mindanao.

Ayon sa weather forecast ng PAGASA, dahil sa ITCZ makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan sa Mindanao.

Habang magdadala naman ng mainit at maalinsangang panahon sa malaking bahagi ng bansa ang easterlies.

Ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ngayong araw.

Magkakaroon lamang ng pag-ulan sa hapon o gabi na dulot ng localized thunderstorms.

Ngayong araw posibleng umabot sa hanggang 33 degrees Celsius ang maitatalang pinakamataas na temperatura sa Metro Manila.

Wala namang inaasahang sama ng panahon na mabubuo o papasok sa Philippine Area of Responsibility sa susunod na 3 araw.

 

 

Read more...