Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 555

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal, Miyerkules, July 8, nadagdagan ng 19 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 555 habang 404 ang active cases.

Nakapagtala ng 4 bagong pumanaw kaya ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 101.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 1,060.

 

 

 

Read more...