Santa Catalina, Ilocos Sur niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Ilocos Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 68 kilometers northwest ng bayan ng Santa Catalina, alas-3:13 madaling araw ng Biyernes (July 10).

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...