Baganga, Davao Oriental niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 113 kilometers northeast ng bayan ng Baganga, alas-11:52 gabi ng Huwebes (July 9).

May lalim na 37 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

Read more...