Lagpas na sa 1,080 ang bilang ng nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (July 9), 10 ang bagong napaulat na kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa 1,088, 269 ang aktibong kaso.
167 ang itinuturing na probable cases habang 701 ang suspected cases kung saan 4,068 ang cleared na.
Nadagdagan naman ng dalawa ang mga bagong gumaling.
Dahil dito, 749 na ang total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.
Nasa 70 residente na ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.