Aniya, base sa CCTV footages, dalawang sasakyan ang ginamit ng mga salarin, kasama ang isang black SUV (ABG 8133) at hindi gumamit ng motorsiklo dahil ipinagbabawal pa ang magka-angkas.
Naniniwala rin si NBI Dep. Dir. Ferdinand Lavin na may ‘deadline’ ang mga salarin para isagawa ang krimen.
Natunton na rin ang may-ari ng nakuhang plaka ng sasakyan ng mga salarin at sinabi ni Lavin na itinanggi ng may-ari ang krimen kayat may posibilidad na ginaya lang ang plaka.
Inaalam na rin ang mga kasong nahawakan ni Senados sa posibilidad na may kinalaman sa kanyang trabaho ang motibo.
Nananatili ding person of interest sa kaso ang driver ng biktima.