Pumatay sa Manila chief prosecutor, mga professional hitmen – NBI

By Jan Escosio July 09, 2020 - 10:53 PM

Naniniwala ang National Bureau of Investigation (NBI) na organisadong grupo ng mga hitmen ang pumatay kay Manila Senior Assistant City Prosecutor Jovencio Senados noong Martes ng umaga sa Paco, Maynila.

Aniya, base sa CCTV footages, dalawang sasakyan ang ginamit ng mga salarin, kasama ang isang black SUV (ABG 8133) at hindi gumamit ng motorsiklo dahil ipinagbabawal pa ang magka-angkas.

Naniniwala rin si NBI Dep. Dir. Ferdinand Lavin na may ‘deadline’ ang mga salarin para isagawa ang krimen.

Natunton na rin ang may-ari ng nakuhang plaka ng sasakyan ng mga salarin at sinabi ni Lavin na itinanggi ng may-ari ang krimen kayat may posibilidad na ginaya lang ang plaka.

Inaalam na rin ang mga kasong nahawakan ni Senados sa posibilidad na may kinalaman sa kanyang trabaho ang motibo.

Nananatili ding person of interest sa kaso ang driver ng biktima.

TAGS: Inquirer News, Jovencio Senados, Manila Senior Assistant City Prosecutor Jovencio Senados, NBI, NBI investigation, Radyo Inquirer news, Senados ambush, Inquirer News, Jovencio Senados, Manila Senior Assistant City Prosecutor Jovencio Senados, NBI, NBI investigation, Radyo Inquirer news, Senados ambush

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.