Mga kaso laban sa Uber at Grab, binasura ng LTFRB

By Kathleen Betina Aenlle February 24, 2016 - 04:20 AM

 

uber-grabcar-1204Ibinasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng mga kasong isinampa laban sa operasyon ng mga ridesharing apps na Uber at Grab.

Lack of merit ang naging dahilan kung bakit ibinasura nila ang mga petisyong inihain ng 1-United Transport Koalisyon (1-UTAK) laban sa operasyon ng Transport Network Companies (TNCs) at ang pagbibigay ng prankisa sa kanilang mga Transport Network Vehicle Services (TNVS).

Ayon kay LTFRB Chair Winston Ginez, binigyan na nila ng sapat na panahon ang magkabilang panig para ilahad ang kanilang mga apela, kaya nag-desisyon na ang Board na i-base sa mas ikabubuti ng mga commuters ang ilalabas nilang katayuan sa isyu.

Matatandaang inireklamo ng 1-UTAK ang department order na pinapayagan ang operasyon ng mga TNCs at TNVS dahil ito anila ay paglabag sa karapatan sa patas na proteksyon ng iba pang public utility vehicles.

Dagdag pa nila, hindi patas na ang mga PUVs ay kailangan pang hinging ang pag-apruba ng LTFRB sa tuwing sila ay magtataas ng pasahe, habang ang mga TNCs ay kayang kayang mag-taas ng presyo anumang oras nilang naisin.

Iginiit naman ng Uber na mananatiling may bisa ang department order hangga’t hindi ito idinideklarang iligal ng mataas na hukuman dahil wala namang hurisdiksyon ang LTFRB na tukuyin ang constitutionality nito.

Kaugnay ng kanilang desisyon, sinabi ni Ginez na dapat ay tanggapin ng mga PUV operators ang bagong pag-subok at kompetisyon na hatid ng mga TNCs at TNVS, na magre-resulta sa mas magandang transportasyon para sa publiko.

Mayroon ring nakabinbin pang petisyon ang grupong Stop and Go sa Quezon City Regional Trial Court kaugnay rin sa department order para sa TNCs at TNVS.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.