Sa pagdinig ng House committee on legislative franchises at good government and public accountability, binawi ni Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Paduano ang kanyang co-authorship sa House Bill No. 3173, na naglalayong bigyan ng 25-taon prangkisa ang ABS-CBN.
Ayon kay Paduano, naging “eye-opener” hindi lamang para sa kanya at iba pang mga mambabatas kundi maging sa publiko ang 12 padinig sa prangkisa ng broadcast network.
“Though it is hard for me, I came to the conclusion that I am withdrawing my co-authorship of House Bill 3713 that aims to grant the renewal of the franchise of ABS-CBN,” ani Paduano.
Humingi ng paumanhin si Paduano kay Parañaque City Rep. Joy Tambunting, ang pangunahing may-akda ng House Bill No.3173, at maging sa mga opisyal ng Lopez-led broadcast company.
Bago si Salo, nauna nang umatras si Kabayan Rep. Ron Salo sa pagiging may akda ng House Bill 6901 na naglalayong magbigay ng prangkisa ng ABS-CBN.
Katwiran ni Salo, hindi napatunayan ng ABS-CBN na hindi totoo ang mga alegasyong ibinibintang sa kanila.